Ilang bayan sa Northern Samar, binaha dahil sa bagyong Samuel

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2018 05:23 AM

MAYNILA - Binaha ang ilang bayan sa Northern Samar dahil sa bagyong Samuel.

Ayon kay Josh Echano ng Northern Samar Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, kabilang sa binaha ang bayan ng Catubig kung saan lagpas-tao na ang lalim ng baha.

Sinagip ng mga awtoridad ang 5 residente, kabilang ang isang buntis.

Binaha rin ang ilang barangay sa Las Navas at Catarman.

Patuloy na nasa signal no. 1 ang lalawigan na maaring makaranas ng 30 hanggang 60 kilometers per hour (kph) na lakas ng hangin sa susunod na 36 oras.

Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph at pagbugsong aabot sa 65 kph.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.