2 patay sa engkuwentro sa Pasay Public Cemetery

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2018 04:40 AM | Updated as of Nov 21 2018 07:31 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki matapos maka-engkuwentro ng mga pulis sa isang sementeryo sa Pasay City Martes ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Virgilio Villablanca Jr., tubong Camarines Sur, at Feliciano Millos, isang barangay tanod sa Barangay 148, Zone 16 ng siyudad.

Base sa imbestigasyon, nagpaputok umano ang 2 lalaki nang respondehan ng mga pulis ukol sa bentahan ng droga sa loob ng sementeryo.

Narekober sa lugar ang ilang pakete ng hinihinalang shabu at 2 baril.

Tinamaan naman ng bala sa dibdib si PO2 Jay-ar Orada na nailigtas ng bulletproof vest.

Ayon kay Senior Supt. Noel Flores, hepe ng Pasay City police, ginagawa umanong drug den ang sementeryo.

Inaalam na rin nila kung nasa drugs watch list ang mga suspek. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.