2 'most wanted' ng San Jose del Monte, patay sa magkahiwalay na operasyon

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2018 05:27 AM

BULACAN - Patay ang 2 itinuturing na most wanted ng San Jose del Monte, Bulacan sa magkahiwalay na operasyon ng mga pulis Martes ng gabi.

Sa Barangay San Rafael, nakipagbarilan umano si Jovan Magtanong nang magpositibo ang buy-bust operation. Itinuturing siya na no. 4 most wanted ng lugar.

Ayon kay Senior Supt. Chito Bersaluna, director ng Bulacan Police Provincial Office, sangkot umano ang suspek sa iba't ibang kaso at labas-masok sa kulungan.

"Meron siyang other criminal activities. Isa 'yung holdup-robbery at carnapping involved din siya," aniya.

Sa kabilang barangay, nasawi rin sa engkuwentro ang no. 6 most wanted na si Alvin Sape, alyas Bino.

Nanlaban umano ang suspek nang aarestuhin ng mga pulis. Nakuha sa kaniya ang ilang sachet ng hinihinalang shabu at baril. - ulat ni Jeck Batallones at Michael Delizo, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.