Aso na-rescue mula sa kanal sa Davao

Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2017 02:17 PM

DAVAO CITY - Isang asong namamalagi sa isang drainage sa gilid ng creek ang na-rescue ng mga pulis.

Nasagip ang aso sa pamamagitan ng dip net, ayon kay PO1 Richie Cubol.

Joseph Tacson

Joseph Tacson

Joseph Tacson

Joseph Tacson

Joseph Tacson

Joseph Tacson

Joseph Tacson

Saad naman ni Joseph Tacson, isang netizen na nagpost ng mga litrato ng pagre-rescue, nais sana niyang kupkupin ang aso ngunit tila takot pa ito sa tao.

Ayon pa kay Tacson, ayaw magpahawak ng aso kaya binigyan na lang niya ito ng pagkain.

Pansamantalang kinupkop ng isang hindi pinangalanang residente ang aso habang hinahanap pa ang may-ari nito, ayon sa mga pulis.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.