3 sugatan nang mabagsakan ng puno sa Cagayan de Oro

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2017 06:46 PM | Updated as of Nov 21 2017 08:09 PM

CAGAYAN DE ORO – Tatlong lalaki ang sugatan matapos mabagsakan ng puno ang sinasakyan nilang trak ng pozo negro sa kahabaan ng Macapagal Drive, Martes ng umaga.

Dinala ang mga pahinante na sina Moises Deocampo, at alyas Amang matapos magtamo ng mga sugat sa likod at ulo.

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Rod Bolivar, ABS-CBN News

Ang driver na si Pepito Engracia ay dinala rin sa ospital matapos makaramdam ng pananakit sa iba't ibang bahagi ng katawan.

"Hindi namin napansin na malapit na matumba 'yung puno. Nagulat na lang kami na bumagsak na 'yung puno sa sinasakyan namin," ani Engracia.

Ayon sa mga residente, hindi malakas ang hangin ng mangyari ang insidente.

Hinala ng mga residente, bumagsak ang puno dahil sa mahina na ang mga ugat nito.

Tuluyan ng ipinaputol na ng City Disaster Risk Reduction and Management Department ang puno matapos ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.