20 katao, nahulog sa ilog nang bumigay ang dinaanang tulay

ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2017 02:23 PM | Updated as of Nov 21 2017 02:29 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

20 katao ang nahulog sa ilog nang bumigay ang isang hanging bridge sa Brgy. Pangpang Norte sa Mambusao, Capiz Linggo ng umaga. 

Dahil sa dami ng mga dumaan, hindi na umano kinaya ng steel cable na sumusuporta sa tulay ang bigat at bumigay ito.

Rumesponde naman ang mga pulis at agad nailigtas ang mga nahulog sa ilog.

Nagtamo lang ng minor injuries ang mga biktima na ayon sa imbestigasyon ay galing sa isang libing. 

--Ulat mula sa Umagang Kay Ganda

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.