PANOORIN: Dolphin, napadpad sa dalampasigan ng Gensan

Chai Tabunaway, ABS-CBN News

Posted at Nov 21 2016 01:28 PM

Isang Risso's Dolphin ang napadpad sa dalampasigan ng Silway, Barangay Dadiangas, West Gensan nitong Lunes.

Ayon kay Kath Bitco, Environment Management Specialist II ng CENRO, may sugat sa ventral portion ang dolphin due to scratches from bottom sediments noong nasa karagatan pa ito ng Barangay Bula sa General Santos.

Nagpahinga lang raw ito matapos magkaroon ng navigational disorientation at mga sugat.

Risso's dolphin in General Santos City. Photo courtesy of PO3 Manolo Landig

Agad din namang binalik sa dagat ang dolphin.

Nasa Juvenile hanggang young adult ang gulang ng Risso's dolphin na karaniwang makikita sa Sarangani Bay.