BRUSSELS - Malaking oportunidad sa sektor ng renewable energy at cutting-edge technology sa Pilipinas ang ibinida ng Department of Finance sa pagdalaw ni Finance Secretary Benjamin Diokno sa dalawang bansa noong October 24 at 27.
Brussels PE
Inimbitahan ni Diokno ang iba-ibang bilateral partners sa Luxembourg at Belgium na masusing tingnang ang malaking oportunidad sa Philippine economy. Sa pulong ni Diokno at kanyang Luxembourgish counterpart, Minister of Finance Yuriko Backes, pinag-usapan nila ang posibleng kooperasyon ng dalawang bansa sa sektor ng renewable energy, gender equality, at sustainable finance.
Ipinagmalaki ni Secretary Diokno ang sumisiglang ekonomiya ng Pilipinas.
Brussels PE
“From clean energy to cutting-edge technology, the Philippines is primed and ready to seize emerging opportunities with our partners from around the world,” sabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno.
Ayon kay Diokno, hinog na ang ekonomiya ng Pilipinas para sa mas maraming foreign investments. May nakalatag na 197 Infrastructure Flagship Projects na nagkakahalaga ng USD155 billion, na maaring pagsimulan ng Public-Private Partnerships.
Bukod sa renewable energy at climate issue, ang digital connectivity ng mga rehiyon ng Pilipinas ang isa pang investment na maaring umanong pasukin ng Luxembourgish at Belgian investors sa Pilipinas.
Brussels PE
Nakausap din ni Diokno si Koenraad Van Loo, ang CEO ng Federal and Holding Company (SFPIM) upang malaman ang best practices ng sovereign wealth fund ng Belgium na maaring magamit sa Maharlika Investment Fund na magsisimula na bago matapos ang taon.
Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Belgium, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.