P1.2-M droga nasabat sa dating pulis, 2 kasabwat sa Caloocan buy-busts

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2020 06:24 PM

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 3 suspek. Retrato mula kay Lyza Aquino, ABS-CBN News


MAYNILA — Arestado ang isang AWOL na pulis at 2 nitong kasamahan sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Rizal Avenue, Caloocan nitong Biyernes.

Ayon kay Police Capt. Ramon Acquiatan, hepe ng Northern Police District-Drug Enforcement Unit, una nilang naaresto si alyas "Reggie," dating pulis na nag-AWOL noong 2015. 

Kasama niyang naaresto ang kanyang live-in partner na si alyas "Romely."

Nakuha sa 2 suspek ang nasa 80 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P544,000.

Sa kasunod na operasyon naman sa General Mascardo street sa Caloocan pa rin, nalambat ng mga pulis si alyas "Ginto." 

Siya umano ang suplayer ng droga ni Reggie at iba pang tulak ng droga sa Caloocan.

Nakumpiska sa kanya ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P680,000 at isang baril. 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 3 suspek.

—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.