Bangkay na binalot ng tape ang mukha, nakasilid sa sako natagpuan sa Cubao

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2020 05:15 PM


MAYNILA — Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan ng ilang tricycle driver nitong Biyernes ng umaga sa bahagi ng Cubao, Quezon City.

Bandang 6:20 ng umaga nang mabulaga ang mga tsuper sa may St. Mary Street, malapit sa Colombia corner Aurora Boulevard matapos makita ang bangkay ng lalaki na nakasilid umano sa sako.

Ang mukha ng lalaki, nakabalot ng makapal na rolyo ng packing tape. 

"Akala ko nga kahoy lang ang laman ng sangko. Tao pala," ani Marlon Cabunag, tricycle driver na testigo. 

Tinawag nila ang mga barangay tanod para makordonan agad ang lugar at ma-report sa mga pulis ang nakita.

Sabi ng ilang residente, namumukhaan daw nila ang bangkay at pagkakaalam nila ay may binibisita raw ito na girlfriend sa lugar.

Pasado alas-8 ng umaga nang kunin ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives ang bangkay. 

Kasalukuyang iniimbestigahan ang kaso ng Station 7 ng Quezon City Police District. 

Ayon sa QCPD, nasa 4 bangkay na ang natagpuan at narekober nila ngayon lang magdamag ng Biyernes. 

—Mula sa ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more in iWantTFC

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.