Sundalo patay sa pamamaril sa Taguig

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 09:40 AM

MAYNILA - Bumulagta ang isang sundalo matapos pagbabarilin sa harap ng isang resto bar sa Taguig City nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ito bilang si Private 1st Class Gerald Niko Aguilar, na nakainitan umano ang suspek nang matalksikan ng tansan ang mesa ng biktima, ayon kay Police Exec. Master Sgt. Cornelio Diones.

Nauwi ito sa komosyon kaya sinita sila ng pamunuan ng establisimiyento.

Paglabas ng resto bar, tinutukan ng baril ang biktima na nagtamo ng tama sa kaliwang bahagi ng ulo.

Dead on the spot si Aguilar habang naaresto naman ang 2 lalaki na kabilang sa grupong nakaalitan nito.

Iimbestigahan ang mga naaresto kung isa sa kanila ang gunman.

Hinahanap din ang iba pa nilang kasamahan.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.