Higit 400 residente sa bayan ng Pagudpud sa Ilocos Norte ang lumikas dulot sa banta ng malalakas na alon sa dagat malapit sa kanilang mga tirahan.
PAGUDPUD, Ilocos Norte - Dahil sa malalakas na alon, pinalikas ang higit sa 400 residente na malapit sa coastal area sa mga barangay ng Pasaleng at Pancia sa bayan na ito Miyerkoles.
"Marami kababayan na mangingisda na malapit bahay nila sa dagat. Sa lakas ng alon, 'yung bagyo parang nanggagaling sa dagat kaya parang storm surge ang nangyayari," ani Pagudpud Mayor Rafael Ralph Benemerito.
Nagtalaga ang lokal na pamahalaan ng medical team para matignan ang kalusugan ng mga lumikas, na karamihan, ay may ubo at sipon at lagnat.
Meron ding mga residente na madalas magbawas dahil contaminated ang kanilang suplay ng tubig kaya binigyan sila ng gamot at gamit para ma-disinfect ang kanilang tubig.
Posibleng magtatagal pa ang mga ito sa evacuation center lalo na at nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility si bagyong Sarah at tatahakin ang Northern Luzon
- Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, Pagudpud, Ilocos Norte, families, evacuation, dagat, alon