Guro, estudyante nahulihan ng droga sa Davao City

Andoreena Causon, ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 10:22 PM

DAVAO CITY - Timbog isang college teacher matapos mahulihan ng hinihinalang shabu sa Davao City Martes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Rashid Amerkhan, 32.

Galing umano sa inuman ang suspek at binentahan niya ang kaniyang ka-chat sa internet, na pulis pala, ng isang pakete ng shabu. 

Pinabulaanan ng suspek ang mga bintang sa kanya pero aminado siya na bumalik siya sa pagagamit ng shabu ngayong taon.

"Nagkamali ako, but I'm not selling. I swear to God I'm not selling. I'm not," ani Amerkhan.

Ayon kay Police Maj. Michael Uyanguren, hepe ng Santa Ana PNP, nahuli na ang suspek noong 2006 dahil sa ilegal na droga ngunit nakalaya matapos makapagpiyansa.

Sa hiwalay na operasyon, nahuli ng Paquibato police ang isang 20-anyos na senior high school student dahil sa pabebenta ng marijuana sa Barangay Malabog kagabi.

Nakuha mula sa suspek, na may alias "Wikwik," ang isa pakete na naglalaman ng naturang kontrabando.

Aminado ang suspek na gumagamit siya ng marijuana ngunit itinanggi nito na nagbebenta siya.

Nahaharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.