6 na magkakabarkada timbog sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2019 05:49 AM

MAYNILA—Arestado ang 6 na magkakabarkada sa buy-bust operation sa Quezon City Martes ng gabi.

Nahulihan ang grupo ng 7 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang mahigit P50,000.

Isinagawa ang buy-bust operation sa Caimito St. sa Barangay Payatas alas-10:30 ng gabi.

Ayon sa suspek na si alyas Ely, nag-iinuman sila nang biglang dumating ang mga pulis at nakuhanan siya ng droga sa bulsa. Nasa drugs watch list si Ely na dati na ring nakulong.

Dahil hindi sumailalim sa rehabilitasyon, bumalik siya sa paggamit ng droga. Dagdag kita rin umano sa kaniya ang pautay-utay na bentahan ng shabu.

Damay naman ang mga kaibigan niya na wala naman umanong kinalaman sa pagtutulak. Kulong silang lahat sa Batasan Police Station.—Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.