PatrolPH

SAPUL SA CCTV: Retiradong pulis binaril sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2018 11:16 AM

ILOILO CITY - Patay ang isang retiradong pulis nang barilin ng nakamotorsiklong salarin sa Barangay Villa Anita, Martes ng umaga.

Sa kuha ng CCTV, makikita ang pagpasok ng isang puting van sakay ang biktimang si SPO2 Rolando Alag. Kasunod ng van ang isang motorsiklo na sakay ang riding-in-tandem na salarin.

Agad na bumaba ang back rider ng motorsiklo nang huminto ang van at pinagbabaril ang biktima. Tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ito kaagad ng buhay.

Kinumpirma naman ni Supt. Jonathan Pablito, hepe ng Police Station 1, na pumanaw na ang biktima ilang minuto matapos na maisugod sa ospital.

Inaalam pa ng mga pulis ang background ng biktima bagamat may mga impormasyon na dawit umano ito sa ilegal na droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.