Lalaki, patay matapos saksakin sa harap ng nobya

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2018 06:13 PM

CAUAYAN, Negros Occidental – Patay ang isang 37-anyos na lalaki matapos na saksakin sa loob ng bahay ng kaniyang nobya sa bayang ito.

Ayon sa pulisya, sumuko ang suspek na si Dante Vargas, 49-anyos. Inamin niyang nasaksak niya si Jay Singson noong Sabado ng gabi.

Pero nanindigan si Vargas na nagawa ang krimen dahil narinig umano niyang humingi ng tulong ang nobya ng biktima. 

Magkapitbahay ang suspek at ang nobya ng biktima.

Sabi ng pulis na nasa loob ng kwarto ang mag nobyo nang pasukin sila ni Vargas.

Laking gulat naman ng nobya ng biktima sa nangyari dahil wala naman silang nakikitang dahilan para gawin ng suspek ang krimen.

Isang sugat sa tiyan ang natamo ni Singson na nagresulta sa kaniyang pagkamatay.

Nahaharap naman sa kasong murder si Vargas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.