Ilang pasahero sa Bacolod, stranded dahil sa bagyong Samuel

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2018 02:04 AM

BACOLOD CITY - Stranded nitong Martes ang ilang pasahero sa Bacolod Real Estate Development Corporation (BREDCO) port sa Bacolod City dahil sa bagyong Samuel.

Kinansela ng Coast Guard ang mga biyahe Lunes ng hapon dahil sa inaasahang pagtama ng bagyo.

Base sa 11 p.m. weather bulletin ng PAGASA, nasa ilalim ng signal no. 1 ang buong lalawigan ng Negros Occidental na maaaring makaranas ng 30 to 60 kilometer per hour (kph) na hangin sa susunod na 36 oras.

Pinagsabihan ng ng Coast Guard ang mga stranded na pasahero na umuwi muna o manatili sa kanilang mga kamag-anak. - ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News