PatrolPH

Doktor patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Marty Go, ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2018 11:53 AM

Doktor patay sa pamamaril sa Negros Oriental 1
Humandusay na lamang sa kalye ang doktor na binaril ng mga di pa nakikilalang salarin sa Guihulngan City. Litrato mula sa Guihulngan PNP

GUIHULNGAN CITY, Negros Oriental - Patay ang isang doktor nang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Barangay Basak, Martes ng umaga.

Pauwi na si Avelex Amor sa Dumaguete sakay ng kanyang kotse nang barilin siya ng mga salaring magkaangkas sa motorsiklo, ayon kay Supt. Mario Baquiran, hepe ng pulisya sa siyudad.

Si Amor ay punong doktor sa isang ospital sa Canlaon City, sabi ni Supt. Amor. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaril sa biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.