Sanggol, patay sa pambubugbog ng ama

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2017 09:25 PM

Arestado ang isang ama sa Mariveles, Bataan matapos nitong patayin ang sariling anak dahil sa pambubugbog umano.

Sinampahan na ng kasong parricide nitong Lunes ang suspek na sinakal at pinagpapalo ng matigas na bagay ang kaniyang isang taong gulang na sanggol.

Dead on arrival ang biktima nang isugod sa opsital noong madaling araw ng Sabado, Nobyembre 18.

Iniwan ang biktima sa pangangalaga ng ama habang nasa trabaho ang kaniyang ina.

Batay sa imbestigasyon ng Mariveles police, namatay ang bata sa pagsakal at matinding pagpapahirap.

Nakita pa ang mga pasa sa iba't ibang bahagi ng katawan ng sanggol.

Agad naman umamin ang suspek sa kaniyang nagawa. -- Ulat ni Rod Izon, ABS-CBN News; DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.