Engineer sa Ilocos, patay sa pamamaril

ABS-CBN News

Posted at Nov 20 2017 08:43 AM

Iniinspeksyon ng mga imbestigador ang lugar kung saan pinagbabaril ang isang engineer sa Ilocos Norte. ABS-CBN News

BANNA, Ilocos Norte - Patay ang isang engineer matapos pagbabarilin sa Barangay Sinamar sa bayang ito, Sabado ng hapon.

Sakay ng motorsiklo at pauwi na sana ang biktimang si Darwin Damaso, 29, nang pagbabarilin siya ng mga naka-motorsiklon ding suspek, ayon kay Senior Insp. Artemio Clemente, hepe ng Banna police station.

Nakatakbo pa aniya si Damaso at nakahingi ng tulong sa isang bahay malapit sa crime scene. Isinugod siya ng mga residente sa ospital, pero idineklarang dead on arrival dahil sa mga tama ng bala sa likod at kanang braso.

Hindi nakilala ng biktima ang mga bumaril sa kanya, sabi ni Emmanuel Revilla, na tumulong itakbo si Damaso sa ospital.

Blangko naman ang pamilya ng biktima sa motibo sa krimen. Wala anilang naikuwento si Damasona kaaway o banta sa kaniyang buhay.

Tinitingnan ng pulisya ang trabaho ng biktima bilang pangunahing motibo ng mga suspek.

Galing si Damaso sa isang construction site sa Barangay Valdez, Banna bago ang pamamaril, ayon sa mga imbestigador.

Ulat ni Grace Alba, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.