Umabot na ng higit kalahating metro ang lalim ng baha sa ilang bahagi ng bayan ng Jipapad sa Northern Samar.
Ayon sa MDRRM Officer na si Vicky Abestros, patuloy pa nilang inaalam ang kalagayan ng ibang mga barangay na nasa mababang bahagi ng bayan.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. Nangangamba ang mga residente na baka lumalim pa ang baha.
Kabilang ang bayan ng Jipapad sa mga madalas bahaing bayan sa Northern Samar sa tuwing masama ang panahon kaya naghahanda na ang mga residente sa posibleng paglikas.
Kabilang sa mga binahang mga barangay ang Cagmanaba, Magsaysay, Jiwaran, Roxas at mga mababang bahagi ng mga barangay sa Poblacion. - Sharon Evite
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.