PatrolPH

Magkapatid pinagsasaksak sa Negros Oriental; 1 patay, suspek tiklo

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2022 10:45 AM

Mahaharap sa kasong murder at frustrated murder ang isang lalaking pinagsasaksak ang kaniyang mga kapatid Huwebes ng gabi sa San Jose, Negros Oriental.

Ayon sa P/Lt. Carlo Desano, hepe ng San Jose Police Station, nag-iinuman ang tatlong magkakapatid sa kanilang family house sa a Sitio Naupak, Barangay Señora Ascion matapos sila mag-trabaho.

Habang napasarap sa kwentuhan, biglang nagkaroon daw ng alitan.

“Kumuha ng itak sa kusina ang suspek at pinagsasaksak niya ang kaniyang mga kapatid dahil sa inis at galit,” ani Desano.

Kaagad dinala sa ospital ang dalawang biktima habang nakaalis kaagad sa crime scene ang suspek.

Nabuhay ang isang kapatid dahil hindi malalim ang kaniyang mga saksak subalit ang isa, ay natamaan ang puso na kaniiyang ikinamatay ayon sa mga doktor sa ospital.

“Nagkaroon kaagad ng hot pursuit operation at nahuli ang suspek,” dagdag ni Desano.

Nahuli ito ng madaling araw nitong Biyernes.
.
Nakuha din ng pulisya ang itak ginamit ng suspek na may 11 na pulgada ang haba na may mga bahid ng dugo.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente kung may ibang dahilan pa nangyaring insidente.

-- Ulat ni Annie Perez 

PANOORIN
 

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.