PatrolPH

Pulis, barangay tanod sugatan sa banggaan sa Sampaloc

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2021 06:22 AM

Watch more on iWantTFC

MAYNILA—Itinakbo sa ospital ang 1 barangay tanod at 1 pulis nang magkasalpukan ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa Sampaloc Huwebes ng gabi.

Binabaybay ni Police Cpl. Jay Gabriel Orano ng Eastern Police Distrcict ang Lacson Avenue patungong España nang biglang tumawid ang motorsiklo ni Regalado Madlang Awa ng Barangay 430.

Ayon sa rumespondeng EXO ng Barangay 434, mabilis ang takbo ng motorsiklo ng pulis at tinamaan ang harap na gulong ng tanod.

Sa lakas ng pagkakabangga tumilapon ng ilang metro ang tanod na, ayon naman sa rumespondeng medic team, amoy alak pa.

Kapwa-sugatan ang 2.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.