P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu nasabat sa Makati

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2021 07:47 AM

MANILA—Bulto-bulto ng hinihinalang shabu ang nasabat sa isinagawang operasyon ng Makati City Police sa Barangay Rizal.

Nangyari ang buy-bust operation sa harap ng bahay ni alyas Tatay sa Magnolia Street.

Kasama rin niya si alyas Omar na nagbenta ng hinihinalang shabu sa pulis na nagpanggap na buyer.

Nasa P85,000 halaga ng hinihinalang shabu ang napagkasunduan sa transaksyon, pero bitbit nila ang isang sling bag na naglalaman ng isa pang plastic bag na may hinihinalang shabu.

Sa kabuuan, nasa P1.38 milyon ang ang halaga ng nasamsam na droga.

Sa imbestigasyon, parehong walang trabaho ang 2 suspek na edad 30 at 27 anyos at umaasa umano sa pagtutulak ng droga.

Walang piyansa ang kasong pagbebenta ng ilegal na droga na haharapin ng mga inaresto.

Watch more on iWantTFC