Bello, mga delivery rider mag-uusap tungkol sa umano'y unfair labor practice

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2020 12:14 AM | Updated as of Nov 19 2020 06:41 AM

MAYNILA - Makikipag-usap si Labor Sec. Silvestre Bello III sa mga delivery rider ng Food Panda na nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng tanggapan ng DOLE sa Intramuros, Maynila dahil sa anila'y unfair labor practice.

Sa budget deliberations ng Senado, sinabi ni Bello na sa pamamagitan ni Sen. Joel Villanueva na siyang nagdedepensa sa budget ng DOLE, makikipagdayalogo siya sa mga rider.

Watch more in iWantTFC

Unang inungkat ni Sen. Richard Gordon ang reklamo ng mga Food Panda rider na sinusuweldahan daw batay sa unfair na grading system.

Aniya, siguraduhin dapat ng DOLE na napo-protektahan ang mga manggagawa ng food delivery service. 

Sinabi naman ng DOLE na walang pa silang ipinalalabas na specific guidelines sa food delivery industry dahil bago lamang ito.--Ulat ni Robert Mano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.