5 anyos, patay matapos mabulunan sa kinakaing biskwit

Mark Salanga, ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2019 10:08 PM

Patay ang isang 5 anyos matapos mabulunan sa kinakaing wafer biscuit sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Gil Montilla sa Sipalay City, Negros Occidental nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa Disaster Risk Reduction Management Office ng lungsod, nanonood ng telebisyon ang biktima kasama ang isa pa niyang kapatid nang biglang nagtatalon ang bata na tila nahihirapan nang makahinga.

Ayon sa kay Dionilo Bogtae, DRMMO head, dumating sila sa bahay ng biktima bandang alas-6 ng gabi. Nagsagawa pa sila ng first aid at isinugod sa pinakamalapit na infirmary ang bata ngunit idineklara itong dead on arrival.

Ayon sa DRRMO, dapat bantayan ng mga magulang ang kinakain ng kanilang mga anak, lalo na kung ito ay biskwit o candy na maaring sanhi para mabulunan ang mga bata.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.