Hustisya, mailap pa rin 8 taon matapos ang Maguindanao massacre

ABS-CBN News

Posted at Nov 19 2017 04:33 PM

Inalala ng mga kaanak ang 58 biktima ng Maguindanao massacre. ABS-CBN News

Inalala ng mga kaanak ang 58 biktima ng Maguindanao massacre. ABS-CBN News

Inalala ng mga kaanak ang 58 biktima ng Maguindanao massacre. ABS-CBN News

Inalala ng mga kaanak ang 58 biktima ng Maguindanao massacre. ABS-CBN News

Inalala ng mga kaanak ang 58 biktima ng Maguindanao massacre. ABS-CBN News

Inalala ng mga kaanak ang 58 biktima ng Maguindanao massacre. ABS-CBN News

MANILA - Hindi pa rin mapigilan ni Jergin Malabanan ang maluha sa tuwing naaalala ang ina na si Gina Dela Cruz, isa sa 58 biktima ng Maguindanao massacre halos 8 taon na ang nakaraan. 

"Kung i-recall mama ko, naiiyak kami," sabi sa ABS-CBN News ni Malabanan. 

"Sobrang sakit kasi hanggang kailan kaya, gusto ko sana bago kami mawala, magkahiwa-hiwalay ng kapatid ko mabigyan kami hustisya." 

Labing-anim na taong gulang pa lang si Malabanan nang mapaslang ang kanyang ina at mga kapwa reporter nitong sumama sa convoy ng misis at abogado ni Governor Esmael "Toto" Mangudadatu na maghahain sana ng certificate of candidacy sa Shariff Aguak noong Nobyembre 23, 2009. 

Mula noon, tumayo na si Malabanan na magulang sa mga kapatid na babae. 

Aniya, "Ulila na kami, wala kaming magulang. Siyempre lumalaban kami sa araw-araw na pamumuhay namin, alangan naman magmukmok, lumalaban kami." 

Umaasa aniya silang magkakapatid na mabibigyang hustisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre. 

"Habang kumakain, natutulog, nag-uusap kami ng mga kapatid ko. Nasasaktan ako na marinig ko sa kanila, di ako nag-eexpect na sabihin nila na hindi raw mawala sa kanila na mabigyang hustisya si mama namin," sabi ni Malabanan. 

Gugunitain sa Huwebes ang ika-8 anibersaryo ng krimen. 

Nitong Sabado ng umaga, nag-alay ng dasal si Malabanan at iba pang pamilya ng mga biktima ng masaker sa lugar kung saan pinaslang ang kanilang mga mahal sa buhay. 

Binendisyunan din ang mga marker kung saan nakasulat ang pangalan ng mga biktima. 

Nakiisa sa aktibidad ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) at iba pang media group mula sa Mindanao.

Giit ni NUJP president Atty. Jo Clemente, lubhang matagal ang 
 taong paghihintay ng katarungan para sa mga biktima. 

"Talagang matagal na panahon na paghihirap na nararanasan pa ng pamilyang naulila na. Dapat ito matapos na and we were told sa ating discussion noong isang araw with Atty. Nena Santos na malapit nang mag wrap up ang trial," ani Clemente. 

"Ang defense pala ay nagbibigay na ng witnesses so 'pag ganon na ang kalakaran ng mga trial natin, malapit nang matapos. Sana lang meron pa silang ini-set na mga 4 or 5 hearing days sana that will be the end of it para ma-submit na siya for resolution." 

Itinuturing ang Maguindanao massacre bilang pinakabayolenteng insidente ng eleksyon sa bansa. 

Pumanaw noong 2015 si Datu Andal Ampatuan, Sr. na itinuturong mastermind ng krimen. Noong parehong taon, nakapagpiyansa naman ang kaniyang anak na si Sajid Islam, na isa rin sa mga pangunahing suspek. - Ulat ni Lore Mae Andong, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.