Binaha na ang ilang mga bahay at kalsada sa bayan ng Sta. Margarita, Samar.
Sa mga videong kuha ni Jopet Rebucas Catalan, makikitang umabot na hanggang hita ang baha sa ilang bahagi ng Barangay Solsogon.
Ayon sa kanya, umabot na ang baha hanggang bewang sa ilang barangay na malapit sa ilog.
Halos wala pa rin kasing tigil ang pag-ulang dulot ng shear line sa lalawigan ng Samar, simula kaninang alas-5 ng madaling araw.
Pangamba ng mga residente, baka mas lumalim pa ang baha dahil tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan. - ulat ni Sharon Evite
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.