Nakakaranas pa rin ng walang tigil na mga pag-ulan ang Northern Samar ngayong Sabado ang Catarman, Northern Samar.
Sa video nakuha ni Arjun Aseo makikita ang malakas na ulan na may dalang hangin.
Samantala ipinag-utos naman ng Philippine Coast Guard na pansamantalang isuspinde ang mga biyahe ng mga malilit na sasakyan pandagat sa lahat ng mga pantalan sa Northern Samar.
Ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat ng mga nagbibiyahe ngayon may banta ng shear line at trough ng LPA.
Itinaas din ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa buong Eastern Visayas.
Ayon sa PAGASA, ang mga pag-ulan ay epekto ng shearline at trough ng LPA na nakakaapekto sa Visayas at Mindanao.
Babala din ng PAGASA na paghandaan ang posibilidad ng pagbaha sa mga mababang lugar at pagguho ng lupa sa mga malalapit sa bundok.
Nakaalerto na ang mga Disaster Risk Reduction and Management offices sa anumang epekto ng mga nararanasan na pag-ulan. - Ranulfo Docdocan
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.