Dahil sa walang tigil na pag-ulan epekto ng shear line, binaha ang Barangay Migara, Calbayog City, Samar ngayong hapon ng Sabado.
Sa video na kuha ni Elisa Capeding, makikita ang baha sa kalsada sa kanilang barangay.
Kwento pa nito, hanggang dibdib na ang taas ng baha.
Wala nang makadaan na mga sasakyan dahil dito.
Pinasok na rin ng baha ang kanilang mga bahay kaya unti-unti nilang iniakyat sa mataas na bahagi ng kanilang bahay ang kanilang mga gamit.
Ayon pa sa kanya, nangangamba pa sila na mas tumaas pa ang baha ngayong gabi dahil sa walang tigil na pag-ulan.
Ayon sa PAGASA ang mga pag-ulan ay epekto ng shearline.
Nagbabala din ang PAGASA ng posibleng mga pagbaha at landslide dahil sa mga nararanasan na mga pag-ulan. - ulat ni Ranulfo Docdocan
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.