PatrolPH

Cabuyao COVID-19 isolation facility isinara muna dahil wala nang pasyente

Dennis Datu, ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2021 02:34 PM | Updated as of Nov 18 2021 06:45 PM

Pansamantalang isinara ang LIGTAS COVID Center isolation facility sa Cabuyao City, Laguna dahil wala nang pasyenteng dinadala doon. Dennis Datu, ABS-CBN News
Pansamantalang isinara ang LIGTAS COVID Center isolation facility sa Cabuyao City, Laguna dahil wala nang pasyenteng dinadala doon. Dennis Datu, ABS-CBN News

Pansamantala munang isinara ang isang pangunahing COVID-19 isolation facility sa Cabuyao City, Laguna dahil wala nang pasyenteng dinadala kasabay ng pagbaba ng mga kaso ng sakit.

Dati ay napupuno pa ng pasyente mula sa buong Calabarzon region at Metro Manila ang 80-person capacity na LIGTAS COVID Center.

Ayon sa facility manager na si Dr. CJ Cofreros, pansamantala munang itinalaga sa vaccination centers ang mga nagbabantay sa LIGTAS COVID Center.

Nasa 20 pasyente na lang din ang nasa regional isolation facility sa Calamba City, na may 399 bed capacity.

Ayon kay Laguna Provincial Health Officer Dr. Rene Bagamasbad, maging ang mga ospital ay maluwag na rin.

Watch more on iWantTFC

Nasa 380 na lang din ang active COVID-19 cases sa buong Laguna, malayo sa dating higit 10,000 noong Setyembre.

Malaking tulong umano sa pagbaba ng COVID-19 cases sa Laguna ang pagbabakuna, kung saan 2 milyon na ang nakatanggap ng bakuna sa probinsiya.

Nauna na ring iniulat ngayong Nobyembre na wala nang pasyente sa isang COVID-19 isolation facility sa Imus, Cavite.

FROM THE ARCHIVES

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.