Baha sa Calumpit, Bulacan posibleng umabot pa ng isang linggo

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2020 09:53 AM | Updated as of Nov 19 2020 01:37 AM

Residents of Bgry. Sapang Bayan in Calumpit, Bulacan do their laundry on Tuesday as a man rides a boat over flood water brought by Typhoon Ulysses. Several areas in Calumpit remain inundated a few days after Ulysses brought torrential rains to various parts of Luzon including Metro Manila, flooding low lying suburbs and displacing thousands of residents. Jonathan Cellona, ABS-CBN News

MAYNILA - Inaasahan ng lokal na pamahalaan ng Calumpit sa Bulacan na aabutin pa ng isang linggo bago tuluyang humupa ang baha sa kanilang bayan.

Ayon kay Mayor Jessie De Jesus, mabagal ang paghupa ng baha sa bayan dahil mataas pa umano ang tubig sa karagatan.

“Sa bagal po nito, baka umabot pa kami ng one week para talagang medyo mababa na o halos wala na,” pahayag ni De Jesus.

Hindi na bago sa bayan ang pagbaha dahil nararanasan nila ito tuwing may high tide.

“Kahit po walang bagyo, umaabot ng 3 feet, 4 feet. May mga barangay tayo malapit sa kailugan around 7 na nagkakaroon ng tubig dahil sa high tide,” sabi ni De Jesus sa panayam sa TeleRadyo.

Binaha ng matindi ang Calumpit dahil sa sunod-sunod na pagbaha dala ng mga bagyo.

“Nung bumagyo na ang Ulysses nanggaling na ito sa Nueva Ecija, Pampanga catchbasin po kami ng water ng high stream,” sabi niya.

Watch more in iWantTFC

Samantala, may dump truck naman umanong bumibiyahe para masakyan ng mga residenteng mula sa binahang mga lugar papasok sa trabaho.

Nakaalalay din ang health units ng bayan laban sa mga sakit na posibleng dala ng baha.

Watch more in iWantTFC