#WalangPasok: Martes, Nobyembre 19, 2019

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 10:06 PM | Updated as of Nov 19 2019 12:39 AM

MAYNILA — Mananatiling suspendido ang klase sa lahat ng antas sa buong lalawigan ng Cagayan ngayong Martes, Nobyembre 19, dahil sa inaasahang masamang panahong dala ng bagyong Ramon.

Parehong sinuspende ang mga klase ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa lungsod, mula pre-elementary hanggang graduate school.

Samantala, balik-trabaho na ang mga manggagawa ng pamahalaan at pribadong sektor ngayong Martes.

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Cagayan, kabilang ang Babuyan Islands, hilagang bahagi ng Isabela, Apayao, Kalinga at Ilocos Norte.

Makakaranas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang mga nasabing lugar ngayong Lunes, ayon sa PAGASA.

Inaasahang magla-landfall sa hilagang bahagi ng Cagayan ang bagyong Ramon Lunes ng gabi o Martes ng umaga.

I-refresh ang pahinang ito para sa updates.

- ulat ni Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.