3 sugatan sa banggaan ng tricycle, 2 taxi sa Iloilo City

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2019 02:07 PM

Sugatan ang 3 tao, kabilang ang isang 3 taong gulang na lalaki, matapos magkabanggaan ang isang tricycle at 2 taxi sa Iloilo City nitong umaga ng Lunes.

Pawang nagtamo ng mga bali at galos sa katawan ang mga biktima, na isinugod sa 2 ospital sa lungsod, kasunod ng insidenteng nangyari sa Barangay Tabucan, Mandurriao district.

Nahagip ng pick-up ang tricycle kaya nawalan ng kontrol ang driver at bumangga sa kasalubong na mga taxi, ayon sa imbestigasyon ng pulisya.

Ayon naman sa driver ng isa sa mga taxi, mabilis ang takbo ng tricycle bago bumangga sa kaniyang sasakyan.

Iniimbestigahan ng pulisya kung sino ang may pananagutan sa insidente.

-- Ulat ni Nony Basco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.