Putol na binti ng tao, natagpuan sa Bulacan

Vivienne Gulla, ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2017 06:09 AM

Isang putol na binti ng tao ang natagpuang nakasilid sa kahon sa Malolos City, Bulacan Biyernes ng gabi.

Nadiskubre ito ng isang nangongolekta ng basura sa Capitol Compound, Barangay Guinhawa pasado alas-7 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang putol na binti ay kay Gregorio Evangelista, isang diabetic patient na inoperahan sa kalapit na ospital nitong Huwebes.

Ayon kay Supt. Heryl Bruno, hepe ng Malolos police, pinadala ni Evangelista sa anak ang pinutol na binti para ilibing sa bakuran nila pero naiwan ito ng anak sa daan.

Hindi pa nakakausap ng pulisya ang anak ni Evangelista para pagpaliwanagin sa nangyari.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.