Presyo ng petrolyo bababa

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2017 05:26 PM

Matapos ang limang linggong magkakasunod na oil price hike, tatapyasan ang presyo ng pretrolyo sa susunod na linggo.

Maglalaro sa P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang bawas sa presyo ng gasolina habang P0.10 hanggang P0.20 kada litro naman ang ibababa ng presyo ng diesel.

May bawas-presyo rin sa kerosene na maglalaro sa P0.30 hanggang P0.40 kada litro.

Tinatayang bawas-presyo sa susunod na linggo

  • Gasolina – P0.50-P0.60/litro
  • Diesel – P0.10-P0.20/litro
  • Kerosene – P0.30-P0.40/litro

Inabot ng halos P3 ang itinaas ng presyo ng gasolina habang P1.75 naman ang nadagdag sa presyo ng diesel sa nakalipas na limang linggo.

Dahil sa serye ng taas-presyo, humirit ang isang consumer group na pagpaliwanagin ang mga kompanya ng langis tungkol dito.

-- Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.