Pag-uwi ng 800 pamilya pabalik ng Marawi, napurnada

ABS-CBN News

Posted at Nov 18 2017 07:56 PM

Watch more in iWant or iWantTFC

Hindi natuloy ang pag-uwi ng mga residente ng tatlong barangay sa Marawi City ngayong Sabado dahil nais siguruhin ng militar ang seguridad sa mga lugar na babalikan. 

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), kinakailangan munang ipagpaliban ang pagbabalik ng mga residente sa Lunes dahil sa isyu ng seguridad. 

"There are security reasons na hindi natin puwedeng sabihin in public. We would like to assure our residents na makakabalik naman po sila," ani Col. Romeo Brawner, deputy commander ng Joint Task Force Ranao.

Dismayado naman ang aabot sa 800 pamilya mula sa tatlong barangay.

Samantala, bumisita rin ngayong Sabado sa Marawi City si Senador JV Ejercito, ang chairman ng Senate Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement para pasalamatan ang mga sundalo at makipagpulong sa Task Force Bangon Marawi.

Dinala rin niya ang P1 milyong tulong ng lokal na pamahalaan ng San Juan para sa Marawi.

-- Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.