PatrolPH

PANOORIN: Mall sinira ng lindol sa GenSan

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2023 08:56 PM

MAYNILA — Sa gitna ng lindol sa General Santos City nitong Biyernes ay naisipan ni Bayan Patroller Eddie Balasabas, empleyado ng retailing company sa loob ng isang mall sa lugar, na isuot ang kanyang motorcycle helmet para sa karagdagang proteksyon. 

Sa video na kanyang kuha bandang 4:37 ng hapon ay makikita ang mga bumagsak na parte ng kisame sa loob ng mall.

Watch more News on iWantTFC

Kuha ang video sa ground floor ng mall habang palabas na siya matapos siguraduhing lahat ng customer nila ay wala na sa loob ng store.

“Kalma lang dapat kasi pag ganon so far pina-una lang namin ang customers bago kami lumabas. Kasi kung mag panic ka naku baka mahulugan ka pa ng mga kisami,” saad ni Eddie.

Sa ngayon ay nasa maayos siyang kalagayan at ligtas na nakalabas sa gusali ng mall.

Niyanig ng 6.8 magnitude na lindol ang Southern Mindanao nitong Biyernes.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.