TFC News

2 Pinoy mula sa West Bank ng Israel, nakatawid sa Jordan

TFC News

Posted at Nov 17 2023 05:52 PM

AMMAN - Dalawang Pilipino na lumikas mula sa West Bank, ang Israeli occupied Palestinian territory, ang nakatawid sa Jordan noong November 4, ilang araw makalipas na ideklara ng DFA ang Alert Level 2 sa  lugar noong Oktubre. 

Sa tulong ng Philippine Embassy sa Amman at Migrant Workers Office sa Jordan, natulungan ang dalawa na ma-repatriate patungong Jordan. 

1
Amman PE

Pinangunhan ang misyon ng Philippine Embassy sa Amman at Migrant Workers Office (MWO) kasama ng kanilang Foreign Recruitment Agency (FRA) sa Amman. 

Ayon kay Philippine Ambassador to Jordan Wilfredo Santos, nitong Oktubre,  pinaghanda na ang mga Pilipino sa West Bank sa paglikas dahil na napipintong kaguluhan bunsod ng pagpapalitan ng putok at pambobomba ng Israeli forces sa Gaza strip, na isa pang Palestinian territory na nasa ilalim ng Israeli occupation.  

2
Amman PE

May 123 Pilipino ang naninirahan West Bank, 91 mula sa nasabing bilang ay resident Filipinos na may asawang Palestinian nationals, mga anak at mga kabataan, maging 9 na madre mula sa iba-ibang religious congregations at 23 OFWs.

3
Amman PE

Binigyan ang dalawang OFW ng tulong pinansyal, bawat  isa ay tumanggap ng 700 USD mula sa Department of Migrant Workers at Overseas Workers Welfare Administration. 

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayang naiipit sa Israel-Hamas conflict, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.