PatrolPH

Sinas pormal nang nanumpa bilang bagong PNP chief kay Pang. Duterte

Zhander Cayabyab, ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2020 08:12 PM

Sinas pormal nang nanumpa bilang bagong PNP chief kay Pang. Duterte 1
Nanumpa bilang bagong hepe ng Philippine National Police ngayong Martes si Gen. Debold Sinas, sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte. Courtesy of PNP Public Information Office

MAYNILA - Pormal nang nakapanumpa sa kaniyang bagong posisyon bilang hepe ng Pambansang Pulisya si Police General Debold Sinas. 

Sa seremonyang ginanap sa Malacanang ngayong araw, nanumpa si Sinas sa harapan ni Pangulong Rodrigo Duterte. 

Dito rin iginawad ang kaniyang ikaapat na estrelya. 

Dumalo sa ceremonial donning of rank sina DILG Secretary Eduardo Año at ang anak ni General Sinas na si Abby. 

Noong nakaraang linggo, sa kaniyang pagharap sa taumbayan, sinabi ni Duterte na bibigyan niya ng executive clemency o handa niyang patawarin si Sinas sakaling mapatunayan ng korte na nagkasala ito dahil sa pagsasagawa ng mañanita sa loob ng Camp Bagong Diwa sa Taguig sa kaniyang birthday noong Mayo sa kasagsagan ng ipinatutupad ng community quarantine.

Pinalitan ni Sinas si Gen. Camilo Cascolan, na umabot na sa mandatory retirement age na 56 noong ika-10 ng Nobyembre.

RELATED VIDEO

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.