Nasa P7.6 milyong halaga ng shabu nasabat sa Cainta; 3 timbog

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2020 05:49 AM

MAYNILA - Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang lalaki at isang babae sa isang buy-bust operation sa Cainta, Rizal nitong Lunes.

Ginawa ang operasyon sa open parking ng isang inn sa Brgy. San Isidro sa Cainta alas 9 ng gabi.

Nakuha ang mahigit isang kilo ng shabu na may halagang aabot sa P7.6 milyon.

Mga taga-Marikina ang mga nahuling suspek. 

Hawak na sila ngayon ng PDEG sa Camp Crame sa Quezon City.--Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.