Higit P3.2-M halaga ng shabu nasabat sa Pampanga; 2 timbog

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2020 10:39 PM

Kuha ng Pampanga police provincial office

Higit P3.2 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa bayan ng San Simon, Pampanga Lunes ng gabi.

Sa pinagsamang pwersa ng Pampanga provincial drug enforcement unit, Pampanga at Bulacan provincial intelligence unit, at San Simon municipal police station special drug enforcement unit, timbog ang 2 suspek sa ikinasang buy-bust sa Brgy. Sta. Monica pasado alas 6 ng gabi. 

Mga tubong Bulacan, high-value individual ang isa sa kanila at ang isa ay itinuturong taga-bagsak ng illegal na droga sa Pampanga.

Sa body search sa mga suspek, isang sachet at 5 medium sized na plastic na may shabu umano ang nakumpiska.

Tinatayang 474 gramo ang bigat ng nakumpiskang droga na hindi bababa sa P3,223,200 ang halaga.

Kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga nahuli.--Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.