Vico Sotto may babala sa kompanyang nagpakulong umano sa 'Regent 23'

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 02:23 PM

MAYNILA — Hindi na nakapagtimpi si Pasig City Mayor Vico Sotto at ganap nang isiniwalat ang umano'y panggigipit na ginawa ng kompanyang Regent Foods Corporation laban sa kanilang mga manggagawang nagprotesta noong Nobyembre 9. 

Sa isang Facebook post nitong Sabado, idinetalye ni Sotto ang kalbaryo ng tinaguriang "Regent 23" na parte ng mga manggagawa na nag-strike laban sa Regent. 

Pinakiusapan ni Sotto ang pamunuan ng Regent na iatras ang reklamo sa mga trabahador pero nagmatigas daw ang kompanya at sinabing hahayaan nilang gumulong ang "judicial process."

"I asked Regent to withdraw the charges against the 23... Yesterday, upon multiple follow-ups, Regent's lawyer informed us that they would NOT withdraw the charges," sabi ni Sotto. 

Isang private security firm na inarkila ng Regent ang nagsampa ng mga kaso laban sa Regent 23, pero halata umanong may basbas ito ng kompanya. 

"Technically, the complaints were filed by the private security, but the management have admitted that they are behind the complaints." 

Aminado si Sotto na wala siyang kapangyarihan makisasaw sa isang labor dispute pero gagawin daw niya ang lahat nga kaniyang makakaya para mapakawalan ang mga nakulong na manggagawa. 

"[W]hen my constituents are being deprived of liberty as they fight for their rights as workers, I cannot sit around and do nothing... I talked to the 11 still inside, and assured them that I will personally make sure that they are out on bail by Monday," pangako ng alkalde. 

Kinondena rin niya ang umano'y hindi wastong paggamit ng kapangyarihan at pribilehiyo ng kompanya. 

"These people are not criminals; they do not have the goal of hurting you. They are fighting for what they believe to be just. You can continue with the labor dispute without sending the poor and powerless to jail! I condemn the misuse of your privileged position to suppress the rights of your protesting workers."

Sa huli, nag-iwan ng babala si Sotto laban sa Regent. 

"If you want to have a healthy relationship with our city, I highly suggest you rethink your position," mensahe ni Sotto. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.