Motorista patay nang magulungan ng truck sa Pasay

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 09:59 AM | Updated as of Nov 17 2019 07:26 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- (UPDATE) Patay ang isang motorcycle rider at isa pa ang sugatan matapos magulungan ng dump truck sa Pasay City nitong Linggo ng umaga.

Unang nabangga ng dump truck ang isang jeep. Nag-overtake ang biktimang si Joaquin Bolaños sa jeep, nabangga at tumalsik. Dito siya nakaladkad ng truck.

Ayon sa pamilya ng biktima, galing ito sa palengke kung saan nagtitinda ng isda.

Depensa ng driver na si Wilmar Dalugdog, 25, nawalan ng preno ang truck niya at wala siyang ibang magawa kung hindi ibangga ito.

Nasa kustodiya na ng Pasay City Police ang suspek.

Nadamay sa salpukan ang 3 jeep, 1 motorsiklo, 2 kotse at 1 taxi. Isa pang motorcycle rider ang sumemplang at nasugatan sa karambola.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.