Base sa mga pag-aaral, aabot sa 24 porsyento ng mga lalaki ang nakakaranas ng domestic violence sa buong mundo. Maging sa Pilipinas, dumarami na rin ang mga lalaking inaabuso ng kanilang mga asawang babae.
Kadalasang pisikal at emosyonal ang abusong nararanasan ng mga lalaki. May iba rin na nakakaranas ng pangangaliwa.
Para tugunan ang mga kakulangan sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004, ipinanukala ni Rizal 2nd District Rep. Fidel Nograles na amyendahan ang batas para mabigyang proteksyon rin ang mga lalaking inaabuso sa isang relasyon.
Ayon rin kay Atty. Lorna Kapunan, marami na siyang naging kliyente kung saan naging biktima ng pang-aabuso ang mga lalaki.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.