2 gusali sa Maynila natupok

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2019 08:36 PM

Dalawang gusali ang nasunog sa Tondo district, Maynila ngayong Linggo, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Nag-umpisa ang sunog pasado alas-5 ng hapon sa ikalawang palapag ng residential building bago tuluyang kumalat sa katabing 3 palapag na gusali, sabi ng BFP.

Idineklara ng BFP na kontrolado ang sunog alas-7:02 ng gabi.

Nadamay sa sunog ang ilang establisimyento gaya ng auto electrical shop at sari-sari store.

Isang lalaki naman ang nagtamo ng minor injury.

-- Ulat ni Jeffrey Hernaez, ASB-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.