PatrolPH

SAPUL SA CCTV: Mga naglamay sa Sampaloc, binangga ng cement mixer truck

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2018 02:39 AM

Watch more on iWantTFC
Video mula sa St. Mark Memorial Chapel

MAYNILA - Bumangga ang isang cement mixer truck sa harap ng isang punerarya sa kanto ng Gerardo Tuazon St. at Loreto St. sa Sampaloc, Maynila Biyernes ng gabi.

Sa kuha ng CCTV, maraming tao ang nakatambay at nakaupo sa harap ng St. Mark Memorial Chapel nang biglang may paparating na trak.

Bumangga muna ang trak sa poste sa harap ng punerarya. Bumangga rin ito sa isang nakaparadang itim na kotse. Wala namang nasaktan sa insidente.

Pagtingin ng mga tao sa loob ng trak, napansin nila na tila nangingisay ang drayber na kinilalang si Benjamin Mendoza. Ayon sa ilan, tila inatake ng epilepsy ang drayber.

Ayon naman sa mga nakaligtas, kung wala ang poste at sasakyan, tiyak natamaan sila ng trak.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.