PatrolPH

Lalaki hinostage ang sariling pamilya sa Cebu City

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2018 11:54 PM | Updated as of Sep 08 2019 04:15 PM

Aiza Marrie Layague, ABS-CBN News

CEBU CITY -- Nailigtas ng pulisya ang isang mag-anak na ginawang hostage ng sarili nilang padre de pamilya sa Sitio Cadulay, Riverside II, Sabado ng gabi.

Mahigit tatlong oras nagmatigas ang suspek na si Ellan Sisiban sa pakiusap ng mga awtoridad kaya napilitan ang SWAT na pasukin ang bahay kung saan niya hinostage ang kanyang kapamilya.

Watch more on iWantTFC

Kabilang sa mga nailigtas ng mga awtoridad ang ina, asawa at dalawang anak ng 38 anyos na suspek. Narekober mula sa kanya ang isang 8 pulgadang kutsilyo na ginamit niya sa insidente.

Ayon kay Chief Inspector Keith Allen Andaya, hepe ng pulisya, hindi pa malinaw ang motibo ng suspek pero aminado pamilya nito na gumagamit ito ng ilegal na droga. 

Tumanggi naman ang suspek 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.