6 pulis sugatan sa engkuwentro sa CamSur

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2018 10:20 PM

MAYNILA - Sugatan ang anim na pulis matapos umanong makaengkuwentro ang isang armadong grupo sa Libmanan, Camarines Sur, Sabado ng hapon.

Patungo sa isang medical mission sa Barangay Bagamelon ang mga PO3 at PO1 na pulis, kasama ang ilang sundalo at medical staff, nang paputukan sila ng mga armadong lalaki.

Tumakas agad ang armadong grupo.

Pinaniniwalaan ng pulisya na mga rebelde ang nasa likod ng pamamaril pero wala pa silang matibay na ebidensiyang direktang makapag-uugnay sa kanila sa insidente.

Patuloy amg isinasagawang pagtugis ng mga pulis at militar sa nakaengkuwentrong armadong grupo.--ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.