50,000 sako ng smuggled na bigas nasabat sa Sulu

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2018 08:31 PM

Nasa 50,000 sako ng smuggled na bigas ang nasabat sa Tonquil Island, Sulu noong Huwebes. Kuha ng Philippine Coast Guard


MAYNILA- Nasabat ng Philippine Coast Guard ang tinatayang nasa 50,000 sako ng smuggled na bigas sa isang barko sa Tonquil Island, Sulu.

Ayon kay Capt. Armand Balilo, tagapagsalita ng Coastguard, nakuha ang kontrabando noong Huwebes ng umaga sa loob ng barkong MV Hulk.

Ayon sa ilang crew ng barko, umalis umano ng shipmaster at iba pang opisyal sakay ng isang bangka at hindi na umano alam ang kanilang kinaroroonan.

Kasalukuyang nakadaong ang barko sa Benjo Wharf, Zamboanga City habang inaantay ang Bureau of Customs para sa kaukulang desposisyon.

Magsasagawa rin ng imbestigasyon ang mga awtoridad para matukoy ang may-ari ng mga smuggled na bigas.

-ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.